TINAMBANGAN | Outgoing official ng Leyte Regional Prison, sugatan matapos tambangan

Sugatan ang outgoing Leyte Regional Prison Superintendent habang patay naman ang kanyang tatlong tauhan matapos silang tambangan habang papunta ng Tacloban City Airport.

Kasalukuyang inoobserbahan sa ospital si Superintendent Gerlado Aro at ang isang tauhan nito na si Colonel Uldarico Mortezo habang ang mga nasawi ay nakilalang sina CO3 Nelson Patagtag, CO3 Jelanie Almario at CO1 Randy Pantano.

Naganap angg ambush sa Cadacan Bridge na ilang metro lamang ang layo sa labas ng Leyte Regional Prison Complex.


Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa lugar para tugisin ang nasa likod ng pananambang.

Matatandaan na si Aro ay nasangkot kamakailan sa isyu ng droga dahil sa umano ay pagkakanlong niya sa ilang inmate na drug personalities.

Facebook Comments