TINAMBANGAN | Police officer patay, matapos pagbabarilin sa Antipolo Rizal

Rizal – Patay ang isang police official habang sugatan naman ang live in partner nito sa isang ambush sa Antipolo, Rizal.

Sa ulat ng Antipolo PNP, kinilala ang mga biktima na sina Police Superintendent Ramy Tagnong, legal officer ng Police Regional Office 4.

Habang ang live in partner nito ay kinilalang si Maria Angela Cabaltera Hadap.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP pasado 6:00 ng umaga kanina ng mangyare ang krimen habang sakay ang maglive-in partner sa pulang Toyota Innova.

Binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng barangay Dalig Antipolo City ng pagbabarilin sila ng mga hindi pa nakikilalang suspek lulan naman ng red-black na motorsiklo.

Naisugod pa sa pagamutan ang mag-live in pero ideneklarang dead on arrival ang Police officer na si Attorney Tagnong.

Nagpapagaling naman ang asawa nito na si Maria Angela Cabaltera Hadap sa Antipolo Doctors Hospital na nagtamo ng 3 tama ng bala ng baril.

Facebook Comments