TINAMBANGAN | Pulis, patay sa pamamaril sa QC

138

Quezon City – Dead on the spot ang isang pulis matapos pagbabarilin ng 2 lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Malaya, Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si PO3 Rufino Gabis 47 taong gulang at nakatalaga sa district headquarters support unit ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, director ng Quezon City Police District (QCPD), binabaybay ng biktima ang Kalayaan Avenue sakay ng kulay puting SUV na may plakang ABP 5676.

Sinabayan ito ng riding-in-tandem at 4 na beses pinaputukan ng baril base na rin sa kwento ng mga saksi.

Nakunan sa CCTV ang pangyayari kung saan tumakas ang mga suspek sa hindi batid na direksyon.

Nakita ng sa loob ng kotse 2 posas 2 baril mga bala at P300,000.

Hanggang sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments