TINAMBANGAN | Re-elected Barangay Kagawad sa Mulanay, Quezon – patay sa pananambang

30

Quezon – Patay sa pananambang ang isang re-elected na Barangay Kagawad sa Barangay Sto. Niño, Mulanay, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Felix Merden.
8:00 kaninang umaga, nakatigil lang sa tabing kalsada sa Barangay Sta. Rosa ang kagawad nang bigla siyang barilin ng lalaking sakay ng motorsiklo.
Dead-on-arrival sa ospital ang biktima.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa motibo ng krimen habang tinutugis ang nakatakas na suspek.

Facebook Comments