TINANGAY | 13 baril, natangay ng mga NPA matapos salakayin ang isang Police Station sa Northern Samar

Aabot sa labing tatlong mga baril ang natangay ng mga miyembro ng New Peoples Army o NPA matapos nilang salakayin ang Lapinig Municipal Police Station kaninang madaling araw.

Sa ulat ng PNP REGION 8 na nakarating sa kampo Crame, kabilang dito ang 10 M16 Armalite Rifle , dalawang Glock Pistol at isang Beretta Pistol.

Kabilang pa ang Laptop Computer at USB na pagmamay ari ng Chief of Police na si Police Inspector Noli Montibon.


Ayon naman kay Police Chief Supt Mariel Magaway, Regional Director ng PNP Region 8, nagsasagawa na ngayon Hot Pursuit Operation ang mga tauhan ng Northern Samar Provincial Mobile Force Company at Regional Mobile Force Battallion 8 laban sa grupo ng NPA.

katuwang nila ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa Rehiyon.

Sa pagsalakay kaninang madaling araw dalawang pulis na sina PO2 Jerry Quilecol at PO1 Edizon Aguere ang nasugatan at ngayon ay nagpapagaling sa Ospital.

Nabatid na anim na Pulis lamang ang Nakaduty nang salakayin ng nasa 50 NPA ang Lapinig Municipal Police Station sakay ng dalawang Truck at mga Motorsiklo.

Facebook Comments