TINANGGAL | Dalawang pulis na nahuli sa anti-colorum operation ng LTFRB, sinibak na sa pwesto

Manila, Philippines – Tinanggal na sa pwesto ang dalawang pulis na nahuli sa anti-colorum operation ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Land Transportation Franchising and regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao, mismong iniutos ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang pagsibak sa dalang pulis.

Kinilala ang mga ito na sina Police Chief Inspector Juan Saldua Cipriano Jr nakatalaga sa Southern Police District at SPO4 Ronnie Arimbuyutan Druja nakatalaga sa PNP Aviation Security Group.


Sa ngayon nasa Personnel Holding and Accounting Unit ng PNP ang tatlo habang iniimbestigahan na nang Counter Intelligence Task Force ang kanilang kaso.

Facebook Comments