TINANGGAP | Tourism Sec Bernadette Puyat, mainit na sinalubong ng mga empleyado ng DOT

23

Manila, Philippines – Mainit na sinalubong ng mga empleyado ng Department of Tourism (DOT) ang naging Tourism Secretary na si Bernadette Romulo-Puyat.

Ayon kay Puyat, hindi na rin naman bago sa kaniya ang Department of Tourism dahil marami na rin siyang mga naisagawang proyekto noon kung saan naging katuwang nila ang DOT.

Aniya, tutuparin niya ang mandato ng Pangulo na siguruhing walang puwang ang korupsyon sa ahensya.

Kaugnay nito, nakiusap na rin ang kalihim sa mga assistant at undersecretaries ng DOT na bumaba na sa pwesto.

Facebook Comments