TINANGGIHAN | Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro, tinanggihan ang nominasyon bilang Ombudsman

4192

Manila, Philippines – Pormal ng tinanggihan ni Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro ang nominasyon para sa posisyon ng Ombudsman.

Sa sulat na ipinadala ni De Castro kay acting Chief Justice and Judicial and Bar Council Acting Chairman Senior Associate Justice Antonio Carpio, pinasalamatan niya si retired Associate Justice Arturo Brion nang iindorso siya nito sa posisyon.

Pero mas nais aniya niyang ipagpatuloy ang pagseserbisyo sa Supreme Court (SC) hanggang sa kaniyang retirement sa Oktubre.

Umaasa siyang mapipili ng JBC ang karapat-dapat na pumalit kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na mag-reretiro na sa July 26.

Facebook Comments