TINAPON | Bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa Makati

41

Makati City – Nakabalot ang mukha nitong nakitang bangkay ng mga residente sa Barangay San Isidro, Makati City.

Wala pang pagkakakilanlan ang lalaking biktima na nakasuot na camouflage na short at nakasuot ng long sleeve.

Hinihinalang biktima ng summary execution ang nakitang bangkay.

Ayon sa initial na imbistigasyon, maghahating gabi kanina nang madiskubre ng isang guwardya ang katawan ng isang lalaki. Nakahandusay ito sa kanto ng Binay Street.

Walang nakakakilala sa biktima kaya’t hinala ng mga residente na tinapon lamang doon ang bangkay.

Facebook Comments