Tinatayang 300 na sibilyan, kasalukuyan pa ring naiipit sa patuloy ng gulo sa Marawi City

124

Marawi City – Tinatayang nasa 300 pang sibilyan ang naiipit ngayon sa patuloy na gulo sa Marawi City.

Aabot naman sa 369 katao ang binawian ng buhay sa nakalipas na buwan ng pakikipaglaban ng kampo ng pamahalaan sa Maute Terror Group.

Ayon sa militar, nasa isang daan na lamang ang natitira sa bilang ng mga rebelde mula sa inisyal na bilang na 500 teroristang umokupa sa naturang siyudad.


Pinangangambahan naman ang posibleng pagdating pa ng reinforcement pagkatapos ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Samantala, nasa mahigit 193,000 residente na ang nailikas mula sa naturang war zone.

Facebook Comments