Tinawag na Lebron James ng Pilipinas ang Pinoy basketball sensation na si Kai Sotto

438

Ayon kay The Skill Factory (TSF) Coach Rob Johnson, nagawa ni Sotto ang mga katangiang kailangan para mabigyan ito ng imbitasyon sa National Basketball Association (NBA) G-league select team.

Malaki rin aniya ang potensiyal ni Sotto na maging kauna-unahang purong pinoy na makapag-lalaro sa NBA dahil sa husay nito at pagiging professional.


Iba rin ang tibay ng katawan ni Sotto dahil kaya umano nitong tanggapin ang mga malalakas na bangga sa kaniya nang hindi nawawala sa balanse, bukod pa sa talent nito na bumato sa perimeter at three points area.

Facebook Comments