Tindahan ng mga Ukay-ukay, Muntik nang Maabo dahil sa Sunog!

Cauayan City, Isabela- Muntik nang tupukin ng apoy ang tindahan ng mga ukay-ukay na damit sa Taff St. Corner Gonzaga, Cagayan.

Agad naman itong narespondehan ng Tuguegarao Fire Station kaya’t agad na napigilan ang paglaki ng apoy.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad na dahil sa maling tapping ng kuryente nagsimula ang sunog.


Dahil sa tubig na pinakawalan ng mga bumbero ay basang-basa ang mga panindang damit sa lugar.

Sa ngayon ay patuloy ang masusing imbestigasyon ng BFP Tuguegarao hinggil sa nangyaring sunog.

Facebook Comments