Pinasok ng hinihinalang umano’y menor de edad ang isang tindahan sa Binmaley, Pangasinan.
Ayon sa 30 anyos na store owner, lumusot ito sa nakitang maliit na butas sa pagitan ng dingding at bubong.
Kita sa CCTV ang naging pagpasok at paglabas nito ng tindahan matapos makuha ang wallet na may lamang P14, 000 at 50 USD.
Ayon sa Binmaley Police Station, nagsasagawa ng backtracking ang pulisya, maging ang posibleng pagkakakilanlan ng suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments