Tindera ng lugaw, maswerteng napili ng DZXL 558- RM N Manila para sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL

Manila, Philippines – Hindi makapaniwala ang 43-anyos na tindera ng lugaw na siya ang maswerteng napili ng DZXL 558- RMN Manila para sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL.
 
Si ginang Amelia Guevarra, residente ng Valenzuela Extension Brgy. 600, Sta. Mesa,Manila.
 
Kwento ni Amelia, meron siyang itinitindang lugaw kada umaga subalit ang naging puhunan niya dito ay nanggaling sa utang at hindi din sapat ang kinikita ng kaniyang mister na ume-extra sa kung ano-anong trabaho.
 
 
Kasama din ni Amelia sa bahay ang kanyang tatay at tatlong anak kung saan ang nag-iisang babae ay may anak na kaya’t nahihirapan sila dahil pawang mga walang trabaho ang mga ito.
 
 
Nais ngayon ni Amelia na madagdagan pa ang kaniyang puhunan at nang madagdagan din ang kaniyang mga tinitinda upang makabawas ng tuluyan sa mga utang.
 
 
Dahil dito, bibigyan ng extra puhunan ng Serbisyong XL si Amelia para palakihin pa ang nasimulan nitong lugawan kung saan naging masaya naman ito at todo-todo ang pasasalamat.


Facebook Comments