Arestado ang isang lalaki matapos aksidenteng masagasaan ang tumatawid na lola sa Brgy. Pantal, Dagupan City.
Ang driver ay isang tindero ng gulay at residente sa lungsod.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bigla umanong tumawid ang biktima at hindi agad nakita ng driver dahilan kaya nabangga ito.
Dahil sa salpukan, tumilapon ang lola at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments