Tindero, huli sa pagbebenta ng iligal na droga sa Barangay Libertad, Surallah South Cotabato

52

South Cotabato, Philippines – Arestado ang isang tindero sa pagbebenta ng iligal na droga sa Zone 6, Barangay Libertad, Surallah South Cotabato noong nakaraang araw.

Kinilala ang suspek na si Richard Tindogan Navarro, 25-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Nahuli ang suspek makaraang may natanggap na impormasyon ang Surallah Municipal Police Station sa ginagawang pagbebenta nito ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Samantala nang arestuhin ang suspek ng mga pulis agad nitong hinulog ang hinahawak ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon, nasa kustodisya ng Surallah PNP ang nasabing suspek at paglabag naman sa RA 9165 ang kasong haharapin nito.
DZXL558

Facebook Comments