Tindero ng gulay nahulihan ng hinihinalang shabu sa San Carlos City, Pangasinan

19

Nahulihan ng hinihinalang shabu ang isang tindero ng gulay sa Brgy. Libas San Carlos City.
Isinagawa ang operasyon ng pulisya sa pamamagitan ng search warrant sa bahay ng suspek na si Modesto Apostol, 54 anyos.
Ayon sa report ng pulisya nang lumabas ang search warrant na ini-issue ng RTC Branch 56 ng San Carlos City agad na isinagawa ang operasyon ng PNP at PDEA sa pagkakadakip ng suspek.
Nakumpiska ang 12 sachet ng hinihinlang sabu at drug paraphernalias sa kustodiya ng suspek.
Dinala ng awtoridad si Apostol sa hospital para sa medical examination matapos ay idiniretso sa detention cell ng PNP San Carlos City.
Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers