TINDERO NG MANOK NA NAGREPORT SA LUNA MPS NA NAHOLD-UP, UMAMING NAWALA NIYA TALAGA PALA ANG PERA

24
Umamin ang tindero ng manok na hindi siya nabiktima ng holdaper kundi ay nawala talaga nito ang pera nagkakahalaga ng mahigit siyam na libong piso.
Nakilala ito na si Vincent Mitrado Belleza, 20 anyos at residente ng Balaoan, La Union.
Una rito ay sumangguni sa himpilan ng Luna MPS si Belleza matapos umano itong mabiktima ng holdaper sa bahagi ng highway na nasasakupan ng Brgy Carisquis sa nasabing bayan at natangay ang belt bag nito na nag naglalaman ng mga dokumento at 9,500 piso.

Nagsagawa agad ng imbestigasyon ang otoridad at nireview ang mga nakapwestong CCTV sa sinasabi nitong lugar na kanyang dinaanan.
Ngunit hindi nila nahagilap sa footage ang pagdaan ni Belleza.
Kalaunan ay umamin si Belleza na taliwas sa una niyang report kung saan ang totoo ay nawala niya talaga ang pera at nagawa niyang makapagsinungaling sa takot na maparusahan ito ng kanyang employer na siyang may-ari ng pera. | ifmnews
Facebook Comments