TINDERO SA BAYAN NG SAN MANUEL, PATAY, MATAPOS NITONG AKSIDENTENG MAHAWAKAN ANG LIVE WIRE

211

SAN MANUEL, PANGASINAN – Wala nang buhay ang isang lalaking fish vendor matapos nitong aksidenteng mahawakan ang nakalaylay na kable ng live wire sa bayan ng San Manuel, Pangasinan.

Ang biktima ay nakilalang si Carlito Lutrania, residente ng Brgy. San Bonifacio sa nasabing bayan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP San Manuel ay tinulungan ng biktima ang driver ng isang truck na may lulang buhangin na dumaan sa kanyang bahay sapagkat nasagi nito ang kable ng kuryente.

Hindi napansin ng biktima na napahawak siya sa nakalaylay na live wire dahilan para ito’y makuryente at bawian ng buhay.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Facebook Comments