Nagtamo ng saksak sa kaliwang bahagi ng tagiliran ang isang tindero matapos saksakin ng lalaking lulan ng motorsiklo sa Binalonan, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na isang 28 anyos na residente sa lugar at ang biktima ay 37 anyos.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang dumating ang suspek lulan ng motorsiklo at saka inatake ang biktima habang nakikipag-inuman ito sa kanyang mga kaibigan.
Sinuntok umano ng suspek ang biktima bago saksakin sa tagiliran gamit ang screwdriver. Sa bilis ng pangyayari, hindi na nakatakbo ang biktima dahilan upang magtamo ito ng sugat.
Nai-takbo sa pagamutan ang biktima habang naaresto ang suspek ng pulisya na napag-alaman na lasing nang mangyari ang insidente. Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng suspek sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨