TINGNAN: ‘Hugot’ post ni Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens

(Photo: Heart Evangelista Instagram)

Viral ngayon ang larawang ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista kung saan siya ay nagma-mop ng sahig habang nakasuot ng isang puting dress.

Nitong Miyerkules, makikita sa kanyang Twitter ang naturang retrato na tila mayroon pang hugot na caption.


Saad niya, “Yung bihis na bihis ka pero hindi ka pala kasama.”

Sinundan naman ng netizens sa pamamagitan nang pagbibigay ng komento na tila relate na relate sa post ng aktres.

May isang netizen na nagcomment, “yung kailangan mo muna maglinis ng bahay para payagan ka umalis.”

Sabi naman ng isa pang nagbigay ng komento, “Magaling alipin, linisin mo yan.”

May nagsabi rin na nauna pa raw ang pagbihis kaysa magpaalam.

Ang iba naman ay nagbigay pa ng iba’t ibang itsura ng mop na mabibili online.

Umabot naman sa mahigit 11K ang nagretweet at mahigit 100,000K likes ang naturang post ni Heart.

Facebook Comments