TINIYAK | Pangulong Duterte – Magiging malupit sa mga banta sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

64

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging malupit siya sa mga hahadlang sa Economic Growth and Development ng Pilipinas.

Sa talumpati niya sa closing dinner ng 51st Asian Development Bank (ADB) annual meeting sa Mandaluyong City, target ng gobyerno na panatilihin ang 7% growth at pababain ang poverty rate ng 14% bago siya bumaba sa pwesto sa 2022.

Sinabi pa ng Pangulo – bukod sa banta ng terorismo, kailangang labanan ang mga sindikato ng droga at korapsyon.

Nanindigan din ang punong ehekutibo na hindi ikokompromiso ng kanyang administrasyon sa pagpapanatili ng law and order.

Facebook Comments