TINIYAK | PNP – walang special treatment kay Arnold Padilla

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police na hindi nila bibigyan ng special treatment ang kontrobersyal na si Arnold Padilla oras na maipasok na siya sa kulungan.

Ibabalik na sana nila sa Camp Bagong Diwa sa Taguig si Padilla para doon ikulong pero idineresto siya sa PNP General Hospital matapos na tumaas ang kanyang sugar level.

Pero sabi ni PNP Spokesman Sr/ Supt. Benigno Durana – hindi magtatagal sa PNP General Hospital si Padilla dahil wala naman itong malalang sakit.


Tiniyak din ng PNP na ipatutupad nila ang batas nang walang takot at walang pinapaburan.

Matatandaang inaresto si Padilla matapos na i-raid ang kanyang bahay kung saan nakuha ang ilang uri ng baril, granada at mga bala.

Pero bago ito, nag-viral sa social media ang video kung saan makikita siya at ang kanyang mga body guard na nanakit at nanakot sa mga barangay traffic enforcers na sumita sa kanila sa Magallanes, Makati.

Facebook Comments