TINIYAK | Rice tariffication bill siguradong maisasabatas bago matapos ang taon

24

Manila, Philippines – Nakakatiyak si Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar na bago matapos ang taon ay maisasabatas na ang rice tariffication bill.

Pahayag ito ni Villar, kasunod ng paglusot sa Bicameral conference committee ng rice tariffication bill na target ratipikahan ng mataas at Mababang Kapulungan sa susunod na linggo.

Sa kabila nito ay dismayado si Villar na may mga grupo na nagpapakalat ng negatibong impormasyon na makakasama sa mga magsasaka ang rice tariffication.

Diin ni Villar, pinag-aralan nilang mga mambabatas na mabuti ang panukala bago ito ipinasa at sinigurado nila na pakikinabangan ito ng mga magsasaka.

Ayon kay Villar, nakapaloob sa rice tariffication bill na ang 35 percent na buwis na kokolektahin sa mga importer ng bigas taon taon ay gagamiting tulong sa mga magsasaka.

Giit ni Villar, ang rice tariffication din ay solusyon sa mataas na inflation rate dahil maibababa nito ang presyo ng bigas.

Facebook Comments