Tips para sa mga gustong magsimula ng negosyo ngayong lockdown, ibinahagi ng owners ng Sanchos Kitchen PH

82

Inaasahang mas lalakas nanaman ang food delivery ngayong nasa lockdown ulit ang Metro Manila.

Kaya naman sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ng owners ng Sancho’s Kitchen PH na sina Joanna Marie Talento at Clarisse Mae Chavez ang kanilang tips para sa mga interesadong magsimula ngayon ng negosyo.


Ayon kay Chavez, kahit bago pa lamang ay sigurado nang may mga susuporta sa mga gustong magnegosyo lalo na kung maganda ang kanilang mga alok na produkto.

Kailangan din daw talaga ng teamwork lalo na sa pagpapalakad ng isang negosyo upang maging matagumpay at maabot ang goal.

Nagsimula ang Sanchos Kitchen PH noong disyembre ng nakaraang taon dahil sa hilig daw nilang kumain at magluto.

Facebook Comments