Tips upang swertehin ngayong Year of the Metal Ox mula sa Feng Shui Expert na si Tony Suvega, alamin

151

Panahon ng pagtatanim ng mga mabubuting bagay at gawain sa buhay ang Year of the Metal Ox.

Ito ang binigyan diin ng kilalang Feng Shui Expert na si Tony Suvega sa interview ng RMN Manila kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng Chinese New Year.


Ayon kay Suvega, ang enerhiya ng Ox ay may dalang clustering, cooperation, collaboration, unity at pagkakasundo ng mga taong nagkagalit.

Kaya ito aniya ang panahon upang magsimula muli sa mga bagay na gustong gawin at pagsasaayos ng mga problema o direksyon sa buhay.

Para kay Suvega, ang kaperahan ngayong taon na ito ay nasa silangan.

Para naman sa mga pampaswerteng pagkain, sinabi ni Suvega na mainam na kumain ng dumplings, mga isdang may kaliskis, isang buong manok, mga beans at isang kilong tofu.




Facebook Comments