TITIYAKIN | Coach Guiao, tiniyak na hindi mauulit ang gulong nangyari kontra Australia

30

Manila, Philippines – Handang kontrolin ni national team head coach Yeng Guiao ang sitwasyon upang hindi na maulit sa darating na Asian games ang nangyaring rambulan sa Philippine Arena noong nakaraang buwan.

Matatandaang nasangkot ang ilang players ng Gilas Pilipinas sa gulo laban sa Australian team sa third window ng 2019 World Cup Asian Qualifiers noong Hulyo 2.

Ayon kay Guiao, hindi na raw kailangan pang kausapin ang mga Pinoy Cagers at sabihan pa kung ano dapat nilang gawin sa loob ng court.

Mas magiging maingat din daw si Guiao sa ikikilos ng kanyang mga players para hindi na muling maulit pa ang nangyaring gulo.

Hindi naman daw niya pipigilan ang istilo ng paglalaro ng mga players pero sisiguraduhin niyang wala nang tsansang maulit muli ang gulo sa basketball tournament sa Indonesia.

Facebook Comments