TITIYAKIN | DOTr, tiniyak na rerepasuhin ang kautusang hinggil sa pagbiyahe ng ilang provincial bus sa Metro Manila

40

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Transportation o DOTr na rerepasuhin nila ang kanilang utos na nagpapahintulot sa mga provincial bus na patuloy na makabyahe sa Metro Manila.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Mark De Leon, si Transportaton Secretary Arthur Tugade ang nag-utos na repasuhin ang desisyon.

Ipinag-utos na rin aniya ni LTFRB Chairman Martin Delgra na amyendahan ang memorandum circular para sa mga provincial buses na makabyahe sa Maynila.

Ito ay kasunod ng reklamo ng mga driver ng bus na nawawalan na sila ng pasahero dahil naagaw ng mga provincial buses na dapat ay hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) lang.

Facebook Comments