TITIYAKIN | TRAIN-2 o TRABAHO Law, handang harangin ng minority bloc

51

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Minority Leader Danilo Suarez na gagampanan niya ang kanyang trabaho bilang minority leader ng Kamara.

Ayon kay Suarez, kabilang sa kanilang kekwestyunin ay ang pagtapyas sa budget proposal ng ilang ahensya ng gobyerno sa 2019.

Ito ay kahit lumaki ang kita ng pamahalaan dahil sa tax reform law.

Haharangin din nila ang package 2 ng TRAIN Law o tinatawag nang TRABAHO Law.

Nanawagan naman ni Suarez sa mga kumukwestyon sa pagpapanatili niya bilang lider ng minorya na isantabi na ang isyu at tutukan na ang trabaho.

Facebook Comments