TIWALI | 60 barangay officials na nanalo sa katatapos na barangay elections, kabilang sa narco list ng PDEA

34

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 60 mula sa 207 barangay officials na nasa narco list ang nanalo sa may 14 barangay elections.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, binubuo na ang isasampang kaso laban sa 60 nanalong opisyal lalo na sa mga natalong kandidato.

Ginagamit aniya ang drug money para bilhin ang boto sa ilang lugar sa bansa.

Ang PDEA narco list ay naberipika ng apat na law enforcement agencies.

Facebook Comments