TIWALI | HUDCC Secretary General, tinanggal ng Pangulo sa posisyon

317

Manila, Philippines – Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC Secretary General Falconi Millar.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel At Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, dahil sa issue ng katiwalian ay tinatanggal ng Pangulo sa posisyon si Millar.

Paliwanag ng Kalihim, effective immediately ang kautusang ito ni Pangulong Duterte.

Binigyang diin nito na pinaninindigan ni Pangulong Duterte na hindi nito tinotolerate ang katiwalian sa kanyang administrasyon

Tiniyak naman ni Panelo hindi mababalam ang pagbibigay serbisyo publiko ng HUDCC lalo na ang rehabilitasyon ng Marawi City.

Wala namang detalyeng ibinigay si Panelo kung anong issue ng katiwalian ang kinasangkutan ni Millar na dahilan ng kanyang pagkaka sibak.

Facebook Comments