Tiyuhin, arestado matapos halayin ang pamangkin sa Quezon City

105

Quezon City – Arestado ang isang lalaki matapos nitong halayin ang sariling pamangking sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Sa ulat, masarap na ulam ang ginagawang pain ng tiyuhin na si Roldan Roses para maisagawa ang plano sa 11-anyos na grade 4 student na babaeng pamangkin.

Sinasabing niyaya ng suspek ang biktima na kumain sa kanilang bahay dahil sa sarap ng ulam na niluto nito kung saan nang kumakain na ang bata ay dito na ito hinalay.

Mabuti na lamang at sumunod ang kapatid ng biktima na siyang nakakita sa ginagawa ng tiyuhin kaya’t nagsisigaw ito dahilan para tumakas ang suspek.

Nadakip naman ang suspek sa follow-up operation habang nag-aantay ito ng jeep sa Katuparan Street sa barangay Commonwealth at inamin ang ginawang krimen.

Facebook Comments