Tiyuhin at ina ng dalawang batang namatay dahil sa pangmamaltrato, sinampahan na ng kaso

79

Cagayan De Oro, Philippines – Sinampahan na ng kasong pagpatay ang tiyuhin
at ina ng dalawang batang namatay matapos hampasin ng arnis noong Biyernes
sa Cabanglasan, Bukidnon.

Ang tiyuhing suspek ay ang 38 anyos na si Juanito Demasuhid Cansanas na
nakunan ng marijuana.

Sinampahan rin ng kasong pagpatay ang 22 anyos na ina na si Aisa Inseranes
na walang ginawa habang minaltrato ng tiyuhin ang mga bata.

Ayon kay SPO1 Josefino Bongat ng Cabanglasan Police Station na nakatakda
ilibing bukas ang apat na taong gulang at isang taong gulang pa lamang na
mga biktima.

 

Facebook Comments