Tiyuhin na gumahasa at pumatay sa anim na taong gulang na pamangkin, nahuli

22

Davao, Philippines – Inamin mismo ng tiyuhin na siya ang pumatay matapos gahasain ang 6-anyos nitong pamangkin na babae noong linggo, Mayo 14.
Ayon sa mga awtoridad, ang 21-anyos na suspek ay kinilalang si Joseph Lucero.
Dagdag pa ng pulisya, nahuli si Lucero matapos itong ituro ng naunang nahuling suspek.
Noong Martes ng hapon, nakita na lamang ang bangkay ng batang babae sa damuhan na may mga pasa sa ulo na pinaniniwalaang nagmula sa paghampas ng matigas na gamit na siyang dahilan ng pagkamatay nito.
Nahaharap ngayon sa kasong rape at murder ang nasabing suspek.
DZXL558, Bernard Pantallon

Facebook Comments