TNT Katropa Coach Nash Racela, umaasang makakalaro ang kanilang import na si Joshua Smith sa game 1 ng PBA Commissioners Cup finals kontra San Miguel Beermen

57

Manila, Philippines – Umaasa ang TNT ka-tropa na makakapaglaro sa finals ng PBA Commisioner’s Cup ang kanilang import na si Joshua Smith.

Ito ay matapos na magtamo ito ng injury sa paa noong game 3 sa semifinals nila ng Barangay Ginebra San Miguel.

Ayon kay TNT Coach Nash Racela, patuloy ang kanilang ginagawang pagmonitor sa lagay ni Smith pero mas nais nila itong makasama hanggang matapos ang kasalukuyang conference.

Naka-stand by naman ang isa pa nilang import na si Mike Myers sakaling hindi makapaglaro si Smith sa game 1 sa finals kontra sa San Miguel Beermen na magsisimula bukas (June 21) sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments