TNT Katropa, umarangkada na sa finals

26

Manila, Philippines – Pasok na sa finals ang TNT Katropa para labanan ang San Miguel Beermen matapos nitong talunin sa semi-finals ng best of 5 series ang ‘Never-Say-Die’ Barangay Ginebra sa 3-1 serye.

Sa iskor na 122-109, ito na ang kauna-unahang appearance ng Katropa sa finals ng commissioner’s cup simula ng huling panalo nito noong 2015.

Sa kabila naman ng 31 puntos ni Aguilar at 25 ni Brownlee, pinatumba pa rin sila ng kabilang koponan na pinangunahan ni Jayson Castro na gumawa ng 38 big points, 11 assists at pitong rebounds.

Magsisimula ang pba finals sa June 21, araw ng miyerkules dakong alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments