TNT, naitabla sa 2-2 ang best of seven finals games kontra San Miguel Beermen

142

Manila, Philippines – Naitabla ng TNT Ka Tropa sa 2-2 ang best of seven finals ng PBA Commissioner’s Cup matapos talunin ang San Miguel Beermen sa iskor na 102-97.

Naging bida sa panalo ng tnt si Jayson Castro na may 17 points habang mayroon naman 20 points at 15 reobounds si Joshua Smith.

Hawak pa noon ng Beermen ang kalamangan sa last quarter hanggang mahabol ito ng TNT.


Naging hamon sa Beermen ang last quarter matapos na ma-fouled out si June Mar Fajardo na may natitirang mahigit na dalawang minuto habang na-eject naman sa court ang kanilang import na si Charles Rhodes matapos na patawan ng pangalawang technical foul.

Facebook Comments