TNT Tropang Giga, kauna-unahang team na pasok sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup

39

Pasok na sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup ang TNT Tropang Giga.

Ito’y matapos nilang talunin ang Northport Batang Pier sa score na 112-87 kung saan nanguna sa panalo ng si Ray Parks Jr. na may 22-points at 10-rebounds.


Dahil sa panalo, nangunguna pa rin sa team standing ng Philippine Cup ang Tropang Giga na may 6-1 win/loss record.

Bumagsak naman sa pang-11 puwesto ang Batang Pier na may isang panalo at limang talo.

Facebook Comments