TNT Tropang Giga, nanaig kontra Rain or Shine Elasto Painters sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup

Nasungkit ng TNT Tropang Giga ang ikalawang panalo ngayong Conference matapos manaig kontra Rain or Shine Elasto Painters sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup kahapon.

Sa una, tambak ng 18 puntos ng TNT matapos ang umaatikabong simula ng Rain or Shine pero nabaliktad ito ng Tropang Giga sa second half ng laro at nagtapos sa score na 105-100.

Pinangunahan nina Jalen Hudson at Mikey Williams ang koponan na nagpakawala ng tig-24 points habang humataw rin si RR Pogoy na nagtala ng 22 points.


Samantala, pinutol na ng Black Water Bossing ang kanilang pitong magkakasunod na talo noong nakaraang conference matapos manalo kontra Phoenix Super LPG sa score na 108-105.

Facebook Comments