TNT Tropang Giga, nangunguna sa team standing ng PBA Philippine Cup matapos talunin ang Phoenix Fuel Masters

63

Nananatili pa rin sa number one spot ng team standings ng PBA Philippine Cup ang TNT Tropang Giga.

Ito’y matapos nilang talunin ang Phoenix Super LPG Fuel Masters sa score na 100-91.


Nanguna sa panalo si RR Pogoy na nakakuha ng 30-points habang nag-ambag naman si Poy Erram ng 18-points.

Sunod na makakalaban ng TNT ang Blackwater Elite sa darating na Huwebes, alas-4:00 ng hapon sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Facebook Comments