TNT Tropang Giga, patuloy na nangunguna sa team standings ng PBA Philippine Cup

36

Patuloy na nangunguna sa PBA Philippine Cup ang TNT Tropang Giga.

Ito’y matapos nilang talunin ang Blackwater Elite sa score na 109-96.


Nanguna sa panalo sina Roger Pogoy na may 20-points at Ray Parks na nakakuha ng 18-points.

Ikinatuwa ni TNT Head Coach Bong Ravena ang ipinakita ng kaniyang mga players na adjustment lalo na’t hindi nakalaro ang veteran point guard nila na si Jayson Castro na may iniindang sakit sa likod.

Sunod na makakalaban ng TNT Tropang Giga ang koponan ng Northport Batang Pier sa Lunes, alas-6:45 ng gabi sa Angeles University Foundation Gym sa Clark bubble.

Facebook Comments