TNT Tropang Giga, target na makuha ang ika-anim na panalo kontra NLEX Road Warriors

497

Target ngayon ng TNT Tropang Giga na masungkit ang ika-anim na sunod na panalo at manatiling nangunguna sa team standings sa 2020 PBA Philippine Cup.

Makakalaban ng Tropang Giga ang NLEX Road Warriors na plano rin bumawi sa pagkatalo noong nakaraang laro kontra Phoenix Super LPG.


Matatandaan na ilang araw na nakapagpahinga ang Tropang Giga matapos na makansela ang laro nila noong Lunes laban sa Northport Batang Pier bilang precautionary measures matapos na magkaroon ng suspected cases ng COVID-19 ang isa sa mga players ng Blackwater Elite.

Mapapanood ang laban ng TNT at NLEX sa alas-6:45 ng gabi na gaganapin naman sa Angeles University Foundation Gym.

Facebook Comments