TNT Tropang Giga, tinambakan ang Barangay Ginebra sa game 3 ng PBA Philippine Cup championship series

64
Photo Courtesy: ESPN

Nagwagi kagabi ang TNT Tropang Giga sa iskor na 88-67 matapos tambakan ang Barangay Ginebra sa game 3 ng PBA Philippine Cup championship series na ginanap sa Angeles University Foundation Sports and Cultural Center.

Nabatid na unang natambakan ng Barangay Ginebra ang Tropang Giga sa first quarter ng laro pero mabilis na nakabawi ang TNT sa second quarter sa iskor na 44-34.


Lalo pang umusad ang TNT matapos naman maka-score ng 18 puntos si RR Pogoy na may 6 rebounds, 3 assists at 6 steals habang nakapuntos din ng 15 sina Troy Rosario at Jayson Castro.

Abangan naman bukas ang muling paghaharap ng dalawang koponan sa final game ng PBA Philippine Cup.

Facebook Comments