TODA RESCUE PROGRAM, INILUNSAD SA PANGASINAN

Inilunsad sa Pangasinan ang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) Rescue Program sa De Venecia Sports and Civic Center sa San Fabian.

Ang programang ito ay naglalayong gawing katuwang ang TODA members sa pagpapalaganap ng kapayapaan, pag-iwas sa krimen, at pagpapabuti ng kaligtasan sa buong lalawigan.

Ayon kay Pangasinan Provincial Director CPOL Rollyfer Capoquian, ang mga miyembrong mapipili para sa TODA Rescue ay sasailalim sa pagsasanay sa first aid at mga seminar para sa first responders upang maging handa sa mga aksidente.

Sa Kasalukuyang mayroong 670 na grupo sa buong lalawigan na inaasahang Kaisa ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments