Tom Rodriguez at Carla Abellana, kasal na!

580

Ikinasal na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nangyari ang intimate wedding ng dalawa sa isang simbahan sa Tagaytay kahapon, October 23.

Kaunti lamang ang dumalo sa kasal kabilang ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan bilang pagsunod na rin sa health protocols.


Wala pang ibinabahaging larawan ng kanilang kasal sina Tom at Carla pero ilang larawan at videos na pasilip sa kanilang solemn wedding ang ipinost sa Instagram ng kanilang official photographer nilang si Pat Dy at team nito.

Kabilang dito ang larawan ni Carla suot ang puting-puti na gown habang nasa dulo ng aisle.

Gayundin ang larawan habang inihahatid ang bride ng kanyang mga magulang sa altar kung saan naghihintay si Tom na matipuno sa kanyang black suit.



Pitong taong magkarelasyon sina Tom at Carla bago na-engage noong March 2021.

Facebook Comments