Inaasahang dadagsa umano ngayong linggo ang mga bibisitang pamilya at nag-iibigan sa Bonuan Tondaligan beach bunsod ng nalalapit na Valentines Day.
Ayon sa lifeguard ng pasyalan, posible umanong dumami ang mga bibisita sa hapon hanggang gabi ng February 14 kung kaya’t puspusan na ang kanilang paghahanda upang matutukan ang kaligtasan ng mga ito sa pagbisita sa Tondaligan Beach.
Madalas umanong mag-picnic sa paligid ng beach ang gawain ng mga pamilya at magkasintahan tuwing araw ng mga puso kaya naman patuloy rin ang kanilang pagpapatrolya. magiging patrolya at hindi lang magbabantay sa isang lugar.
Paalala rin nila sa mga mag-iinuman sa araw na iyon na kung maaari ay huwag nang tangkain pang lumusong sa dagat dahil hindi masasabi ang tawag ng kapahamakan lalo kung nasa impluwensya ng alak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨