Toni Gonzaga-Soriano, may payo sa mga nakakaramdam ng pressure ngayong pandemya

33

May payo ang aktres na si Toni Gonzaga-Soriano sa mga taong nakakaramdam ng pressure lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sa interview ng TV host na si Boy Abunda, sinabi ni Toni na ang pagtanaw sa simpleng buhay niya noon na hindi pa siya artista ang nagsisilbi niyang inspirasyon at pampasigla kapag nakakaramdam siya ng kalungkutan at pressure sa trabaho.


Aminado si Toni na kapag dumarami ang responsibilidad sa buhay ay dumarami rin ang dumarating na problema pero isa aniya ang pagbalik-tanaw sa simpleng buhay noon ang nagpapa-good vibes sa kanya upang hindi sumuko.

Sa ngayon ay dalawang dekada nang nasa showbiz industry si Toni at thankful siya sa lahat ng blessing na natanggap kahit mahirap ang kanyang pinagdaanan.

Facebook Comments