Top 1 most wanted person ng MPD-station 2, naaresto na sa Pandi, Bulacan

31

Hindi na nakaporma pa ang top 1 most wanted person ng Moriones-Tondo Police Station o MPD-station 2 ng masakote ito sa Pandi, Bulacan.

Nakilala ang suspek na si Marvin Cruz na may warrant of arrest dahil sa kasong robbery at murder.


Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang MPD-station 2 na nakita ang suspek na madalad tumatambay sa Pandi, Bulacan kaya agad silang nakipag-ugnayan sa mga pulis sa Pandi, Bulacan.

Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng MPD-station 2 at Pandi PNP ang suspek habang nakatamhay ito sa Phase 4 Pabahay, Barangay Bagong Barrio Pandi, Bulacan kung saan plano pa sana nitong tumakbo pero nakorner na siya ng mga otoridad.

Ayon kay PLTCOL MAGNO L GALLORA JR., Station Commander ng Moriones-Tondo Police station, ang naarestong suspek ang siyang responsable sa nagaganap na nakawan at patayan sa area na kanilang nasasakupan kung saan diskarte nito ay magpalamig muna bago muling gumawa ng krimen.

Facebook Comments