Timbog sa bisa ng warrant of arrest ang isang lalaki sa kanyang tahanan sa Brgy. Aramal, San Fabian, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na isang 48 anyos na construction worker at tinukoy bilang Top 1 Most Wanted sa bayan.
Nahaharap ang suspek sa kasong Rape na walang kaukulang piyansa at Sexual Assault na may kaukulang piyansang P120,000 na parehong inihain noong January 22 ngayong taon.
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments