Top 1 Most Wanted Person sa San Mateo, Isabela, Arestado!

208

*San Mateo, Isabela- *Natimbog ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted person sa bayan ng San Mateo matapos isilbi ang warrant of arrest nito ganap na alas 7:00 kaninang umaga sa Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provicial Office (IPPO), hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 20 Cauayan City, Isabela ang 17 anyos na akusado na itinago sa pangalang “Junjun”, binata, walang trabaho at residente ng Brgy.Victoria, San Mateo, Isabela dahil sa kasong 2 counts na panggagahasa.


Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Dinala sa himpilan ng PNP San Mateo ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments

From Advertisers